Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Patay ang isang babai habang lubhang nasugatan ang dalawa pang katao sa pagka-aksidente ng isang dump truck sa Camp 2, Kennon Road, Tuba, Benguet kagabi.

Ayon kay Police Maj. James Acod, hepe ng Tuba PNP, patungo ng lowland ang nasabing truck nang aksidenteng mabangga nito ang isang kongkreto na poste ng kuryente.

Natumba aniya ang truck kung saan binangga pa nito ang kongkretong road barrier hanggang sa huminto sa gilid ng kalsada.

Napag-alaman na halos kalahati ng truck ang nasa bingit ng bangin matapos masira ang road barrier.

Dahil dito, malubhang nasugatan ang driver na si Wilfred Roque Dollaga, 35, tubo ng Isabela at kasama nitong si Edgar Abat Condes, 43, backhoe operator, tubo ng Tublay, Benguet, parehong residente ng Shilan, La Trinidad, Benguet.

Samantala, narekober naman ang walang buhay na katawan ng babaing pasahero ng truck na nakilala lamang sa pangalang Maymay.

Pinaniniwalaang tumilapon ang babai mula sa truck hanggang sa mahulog ito ilog sa ibaba ng kalsada.

Sa ngayon, inoobserbahan pa sa pagamutann sina Dollaga at Condes habang hinihintay ang pamilya ng nasawing biktima para sa i-claim ang bangkay nito.