-- Advertisements --

Patay ang isang katao, habang dalawa naman ang nawawala sa Caraga region dahil sa pananalasa ng Bagyong Auring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang latest update, sinabi ng NDRRMC na kabuuang 31,884 pamilya sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, at Bicol Region ang apektado ng Bagyong Auring.

Kabuuang 18,996 pamilya naman sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas at Western Mindanao ang lumikas dahil sa banta ng masamang lagay ng panahon.

Sa Caraga at Davao Regions, nasa 60 bahay ang totally damaged habang 180 naman ang partially damaged.

Kabuuang 11 kalsada at tulay ang apektado ng masungit na panahon sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, at Davao Regions, ayon sa NDRRMC.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang validation ng NDRRMC sa mga datos na ito.