GENERAL SANTOS CITY – Isa ang patay habang isa naman ang sugatan sa nangyari umanong shootout laban sa itinuturing na kilabot na mga holdaper sa lungsod ng General Santos.

Nangyari ang insidente nang hindi tumigil sa checkpoint sa Santa Teresita, Barangay San Isidro ang isang motorsiklo na sinakyan ng dalawang suspek.

Nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis ang kinilalang sina Jury Navida Magbanua at Denmark Espin.

Dead on arrival sa pagamutan ang suspek na si Magbanua at patuloy namang ginagamot si Espin dahil sa natamong sugat matapos ang pakikipagbarilan sa mga otoridad.

Ang dalawa positibong itinuro ng biktima na siyang nangholdap rito kung saan natangay ang cellphone nito.

Nakuha sa kustodiya ng mga suspek ang .38-caliber revolver na mayroong isang fired cartridge, dalawang bala ng 38 revolver pistol, isang .45-caliber na may mga bala.