ROXAS CITY – Patay ang 46 anyos na lalaki sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Sitio Mawang, Barangay Candelaria, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Joel Galagate, 46 anyos at residente ng Barangay Artuz, ng naturang bayan.

Ayon kay Police Corporal Ralph Eugi Reyes, imbestigador ng Tapaz Municipal Police Station, pauwi na sana ang biktima sakay ng kaniyang motorsiklo nang aksidente nitong nakabanggaan ang kasalubong nitong motorsiklo na minamaneho ni Federico Fundal, Jr., 35 anyos.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa daan ang dalawa at nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Kaagad na dinala sa ospital ang dalawa upang malapatan ng kaukulang lunas ngunit idineklarang dead on arrival si Galagate.