CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang dalaga habang sugatan naman angisa pa sa nangyaring shooting incident alas-11:00 kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Jessa Mae Maputol, residente ng Purok Malipayon Barangay San Emmanuel Tacurong City.

Sugatan naman si Christine Mae Baldeviso Gonio, nakatira sa Sitio Lagon Barangay Kalanawe 2 President Quirino Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Noel Kinazo, lulan ang mga biktima ng motorsiklo sa Barangay Tuato President Quirino Sultan Kudarat nang pagbabarilin ang mga ito ng mga hindi pa nakikilalang suspek gamit ang kalibre .45 na baril at M16 Armalite rifles.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa President Quirino Sultan Kudarat

Kaagad na binawian ng buhay si Maputol, habang isinugod naman sa ospital si Gonio.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril sa mga biktima at patuloy nilang iniimbestigahan ang kasong ito.