-- Advertisements --

Alegria Cebu- Patuloy pa ngayon ang isinagawang follow-up operation ng mga otoridad sa bayan ng Alegria Cebu matapos ang nangyaring magkahiwalay na shooting incident sa nasabing bayan.

Una rito, binaril patay ng riding in tandem ang isang 21 anyos na lalaki habang nakaupo lang ito sa kanyang mototrsiklo sa harap mismo ng isang bakeshop pasado alas 9:04 kagabi sa Sito Sangi, Brgy. Madridejos.

Kinilala ang biktima na si Kenneth Roize Hidalgo.

Personal na alitan naman ang anggulong tinitingnan ng pulisya kahit pa man dati na itong nakakulong dahil sa iligal na druga sapagkat hindi pa umano ito umaatras sa anumang mga away.

Samantala, nasa stable na ngayon na kondisyon ang isang 28 anyos na magsasaka na kinilalang si Crisologo Legarte Dumasig matapos itong makatamo ng tama sa kanyang binti sa nangyaring pamamaril pasado als 10 kagabi.

Personal na motibo din ang anggulong tinitingnan na dahilan ng pamamaril at isinagawa na ngayon ang hot pursuit operation laban sa itinuturong suspek.