NAGA CITY – Isa patay, habang isa pa ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo at onwer-type jeepney sa Sitio Badbaron Brgy. Paslong, Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawi na motorista na si Charles Quiapo Jr., habang ang sugatan naman na driver ng owner-type jeep na si Joel Cariaga.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), sinasabing nawalan ng kontrol si Cariaga sa motorsiklo na naging dahilan para kainin nito ang linya ni Quiapo.

Kaugnay nito, agad na isinugod sa ospital ang dalawa subalit idineklarang dead on arrival si Quiapo.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente