-- Advertisements --

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na isa pang inmate ang kasalukuyang pinaghahanap matapos tumakas sa maximum security compound of the New Bilibid Prison (NBP) noong Lunes.

Sinabi ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag, ang ika-apat na tumakas ay kinilalang si Chris Candas Ablas.

Ang suspek ay convicted dahil sa kasong robbery with homicide at nasintensiyahan ng reclusion perpetua na walang ibinigay na parole.

Hindi inaalis ng BuCor na kasama si Candas sa tatlong pumuga kahapon at napatay na ng mga otoridad ang dalawa matapos manlaban umano sa mga otoridad.

Ang mga napatay ay sina Pacifico Adlawan at Arwin bio.

Sa ngayon at large pa rin pati sa Drakilou Falcon na convicted din sa kasong robbery with homicide at illegal possession of firearms at mayroon pang nakabinding kaso na double murder, frustrated murder, attempted murder at robbery.

Kung maalala, tatlong jail guards at isang inmate ang sugatan matapos magpaputok ang mga suspek habang patakas kahapon.

Agad dinala ang mga biktima sa Ospital ng Muntinlupa para magamot.