-- Advertisements --

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na isa pang convicted sa Chiong sisters rape-slay case ang nakatakdang susuko sa susunod na linggo.

Magugunitang napalaya ang tatlong convicted sa karumal-dumal na krimen dahil sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sinabi ni Sec. Guevarra sa mensahe sa Bombo Radyo, inaayos na rin ang paglutang sa Bureau of Corrections (BuCor) ng ikatlong convict na si Josman Aznar.

Una ng sumuko ang dalawa na sina Ariel Balansag at Alberto Caño at hawak na ng BuCor.

Una ng iniutos noong Miyerkules ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuko ng lahat ng mga convicted criminals na nakinabang sa GCTA Law sa loob ng 15 bago sila ideklarang wanted o fugitives sa batas.

Sa ngayon, nasa 70 na ang kabuuang bilang ng mga napalayang convicts mula sa halos 2,000 ang sumuko matapos ang direktiba ni Pangulong Duterte.