-- Advertisements --

Tanging 1 percent o nasa P6 billion lamang sa mahigit P660 billion Bayanihan 2 funds ang nanatiling hindi pa rin nagagamit, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte,

Sa isang televised Cabinet briefing kagabi, Hulyo 24, iniulat ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III kay Pangulong Duterte na nasa P660 billion ng pera na nakalaan para sa COVID-19 response ang na-release na ng Department of Budget and Management.

Sinabi ito ni Dominguez matapos na pinasagot si Pangulong Duterte hinggil sa pahayag kamakailan nina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Panfilo Lacson na ilang pondo raw sa Bayanihan 2 ang hindi pa rin nagagamit.

Pero dahil sa sagot ni Dominguez, sinabi ni Duterte na dapat makinig ang mga mambabatas sa report ng DOF hinggil sa Bayanihan fund.

Magugunita na Hunyo 30 pa nang mapaso ang Bayanihan 2 kasunod ng extension na una nang inaprubahan ni Pangulong Duterte.

Nilagdaan ni Duterte ang Bayanihan 2 noong Setyembre 2020, na una nang nakatakdang mapaso noong Disyembre 19, 2020.