-- Advertisements --

Isa lang ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 habang nasa ibang bansa, kaya pumalo na sa 2,523 ang confirmed cases ng mga kababayan abroad.

Batay sa data ng Department of Foreign Affairs, ang 1,350 sa kanila ay nagpapagaling.

Habang 879 na ang nag-recover dahil sa isang bagong nadagdag sa numero.

Sa kasamaang palad, may 294 na namatay.

Ang total na bilang ng Pilipinong COVID-19 patients ay naitala sa 46 ng DFA sa 46 na bansa.

Pinakarami ang mula sa Europe na may 785 cases.

Sinundan ng Middle East and Africa region, Americas, at Asia-Pacific.