NAGA CITY- Patay ang isa katao matapos makuryente sa Brgy. Lourdes Young, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ramil Orillosa 45-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl. Ronald Peregrino tagapagsalita ng Nabua PNP, sinasabing hawak umano ng biktima ang wire ng kuryente habang inaayos nito ang linya sa lugar ng biglang bumalik ang supply nito.

Kaugnay nito, agad namang binawian ng buhay ang biktima na idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nabatid naman na dating barangay electrician si Orillosa kung kaya pinagtiwalaan ito ng mga residente sa lugar sa pagsasaayos ng nasabing linya.