CENTRAL MINDANAO- Isa katao ang naitalang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa probinsya ng Cotabato.
Ang biktima ay 45 anyos, lalake, may asawa at residente ng Midsayap North Cotabato.
Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH-12) at ni Cotabato 2nd District Board Member Dr Philbert Malaluan ang Chairman ng Inter-Agency Task Force on Covid 19 sa North Cotabato.
Ang PH 3272 ay may travel history sa Matina Gallera sa Davao City.
Lumampas na sa 14 day Quarantine ang biktima bago lumabas ang confirmatory result test ng RITM at nagpositibo ito sa Covid 19.
Dagdag ni Dr Malaluan na nasa maayos na kondisyon PH 3272 at nasa Cotabato Provincial Isolation Center ngayon ng probinsya at muling kukunan ng swab test.
Nagpapatuloy din ang contact tracing at isinailalim sa home quarantine ang pamilya ni PH3272 at mga nakasalamuha nitong mga kaibigan.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ang umiiral na alituntunin hinggil sa public health emergency at preemptive community quarantine sa bayan ng Midsayap Cotabato laban sa Covid 19.