-- Advertisements --
LA UNION – Aabot na sa 1,000 displaced overseas Filipino workers (OFWs) ang natulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1, sa ilalim ng DOLE-AKAP cash assistance.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo La Union kay OWWA Region 1 Labor Communications Officer Geraldine Lucero, sinabi nito na may 1,500 approved application sa Region 1.
Pero sa naturang bilang, 1,000 pa lang aniya rito ang nakatanggap na P10,000 financial aid mula sa pamahalaan sa gitna ng COVID-19 crisis .
Ang naturang programa ng DOLE ay tulong sa mga OFWs na hindi na nakabalik pa sa trabaho sa ibang bansa matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.