-- Advertisements --
Iniulat ng Office of the Civil Defense (OCD) ngayong araw na isa na ang napaulat na namatay sa Northern Mindanao dahil sa nararanasang pag-ulan at baha dulot ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon kay OCD deputy spokesperson Diego Mariano, nakakaranas ng ITCZ na nagdulot ng mga pag-ulan at pagbaha sa rehiyon partikular na ang mga lugar sa Bukidnon at Lanao del Norte.
Ayon pa sa opisyal, aabot sa 11,000 pamilya ang apektado ng masamang lagay ng panahon kung saan sa mga apektadong populasyon, nasa 78 dito o 17 mga pamilya ay nananatili sa evacuation centers.
Sinabi naman ng OCD official na nasa P2 million tulong na ang naipamahagi sa mga apektadong residente.