BAGUIO CITY – Isinailalim sa lockdown ang dalawang barangay sa Baguio City, isnag araw bago isailalim ang lungsod sa modified general community quarantine (MGCQ).

Ipinag-utos ni Mayor Benjamin Magalong ang pag-lockdown sa Barangay San Vicente at Poliwes pagkatapos maobserbahan ang paglabag ng ilang mga residente sa protocols ng GCQ.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na isinailalim sa lockdown ang Barangay San Vicente dahil una na itong nai-lockdown noong Abril dahil din sa paglabag ng ilang mga residente.

Iginiit naman ni Poliwes Punong Barangay John Alban na hindi ito nagkulang sa pagpapayo sa mga residente sa kanyang nasasakupan ngunit sadyang may mga matitigas ang ulo na lumalabag sa mga quarantine protocols.