-- Advertisements --

NAGA CITY – All set na ang Solidarity Gathering ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo sa Lungsod ng Naga.

Ito ay bilang pagsalubong sa magiging resulta ng electoral protest na inaasahang isasapubliko bukas, Oktubre 15.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, alas-4:00 ngayong hapon sisimulan ang aktibidad sa Jesse M. Robredo Museum sa pamamagitan ng isang “Zumba Para ki Leni.”

Susundan ito ng maikling programa at ang “Prayer for Justice, Fairness and Truth for the PET Recount Results.”

Alas-7:00 naman ng gabi magkakaroon ng Lighting of Candles na sasabayan ng panalangin at susundan ng community singing.

Magtatapos ang kabuuang aktibidad ganap na alas-9:00 ng gabi.

kung maaalala, isasagawa sana ang aktibidad noong nakaraang linggo ngunit hindi natuloy matapos ipagpaliban ng Presidential Electoral Tribunal ang pagsapubliko ng resulta.

Sa kabilang dako, positibo naman ang kampo ng bise presidente na papabor sa kanila ang resulta ng naturang recount.