Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umaabot sa mahigit 1.3 million estudyante sa halos 4,000 eskwelahan ang apektado sa matinding init ng panahon.
Ito ay kasunod ng pagsuspendi ng face-to-face classes.
Bilang tugon, nagpatupad na ang mga eskwelahan ng alternative delivery modes para matiyak na patuloy pa rin ang pag-aaral ng mahigit 1.3 million apektadong mag-aaral sa buong bansa.
Ayon sa DepEd, ilan sa mga paaralang nag-shift na sa Alternative delivery modes ay ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon (Calabarzon); MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan); Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, and SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, and General Santos), at National Capital Region (NCR).
Samantala, wala namang napaulat na suspensiyon ng klase sa Region X, XI, XII, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa datos ng DepEd, karamihan sa nagsuspendi ng F2F classes at nagpatupad ng ADM ay ang Region XII na nasa 801 eskwelahan,sinundan ng Region 3 na mayroong 199 schools at NCR na nasa 183 schools.
Maliban nga sa suspensiyon ng klase, pinayagan ng DepEd ang mga eskwelahan na magpatupad ng ilang adjustments para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa gitna ng mainit na panahon.