BOMBO DAGUPAN – Naghain ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Anda, Pangasinan na umaabot sa P50,000 upang matukoy kung sino ang suspek sa likod ng pamamaslang sa isang 22-anyos na dalaga.
Kamakailan nang maiulat na nawawala ang biktimang si Lowilyn Caniedo na residente ng brgy Cabunggan sa naturang bayan at nang ito ay matagpuan, bangkay na ito at walang saplot ang ibabang parte ng kaniyang katawan.
Sa isang palayan sa kanilang barangay ito natagpuan.
Base sa ulat ay hinihinalang biktima ito ng panggagahasa at nakitaan din ito ng namuong dugo sa bahagi ng kaniyang mukha.
Sa kasalukuyan ay patuloy paring ginagawa ng mga otoridad ang kanilang makakaya upang matukoy ang suspek sa likod ng krimen.
Kaugnay nito, nanawagan na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng bayan upang makamit ang hinihinging hustisya.