Dumating na sa Zimbabwe ang 200,000 doses ng Sinopharm COVID-19 vaccines mula sa China.

Sinabi ni Presidient Emmerson Dambudzo Mnangagwa na agad silang magsasagawa ng vaccination program ngayon linggo.

Mamadaliin nila ang pagpapabakuna para agad na ring makabalik sa normal ang kanilang ekonomiya.

Ang nasabing bakuna na donasyon ng bansa ay unang bahagi pa lamang na dumating dahil sa Marso ay inaasahan na darating ang karagadang 600,000 doses pa.

Naglaan kasi ang Zimbabwe ng $100 million na pondo para sa pagbili ng bakuna kung saan target nilang makabili ng 20 milyon doses ng COVID-19 vaccine.

-- Advertisement --