-- Advertisements --

Target ng Department of Interior and Local Government (DILG) na makamit ang kanilang hangad na zero firecracker incidents sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa Laging Handa briefing nitong umaga, umapela si DILG undersecretary Jonathan Malaya sa publiko na makaiisa sa hangarin ng pamahalaan at huwag nang gumamit nang mga paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nagbabala naman si Malaya sa mga nagbebenta at gagamit ng iligal na paputok kagaya ng Piccolo at Watusi.

Ayon kay Malaya, puwede naman ang pagbebenta nang mga pailaw ngayong taon sa ilalim ng Executive Order 28, pero dipende pa rin ito sa mga ordinansang inilabas naman ng mga lokal na pamahalaan.

May sagot naman ang DILG para sa local fireworks manufacturers na umaapela na huwag naman total ban sa mga paputok o pailaw kundi selective lamang.