Walang nakalaang pondo para sa subsidiya sa mga local manufacturers ng health supplies at personal protective equipment (PPEs) sa ilalim ng P4.5-trillion proposed 2021 national budget.

Pag-aamin ito ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri plenary deliberations ng Kamara sa proposed budget ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatanong ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Sa kanyang interpellation, pinuna ni Brosas ang aniya’y “inadequate” response ng pamahalaan sa pandemya at sa epekto nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Kung siya lamang umano ang masusunod, nais din ni Zubiri na mabigyan ng subsidiya ang manufacturing sector tulad nang isinasagawa sa iba pang mga bansa sa Southeast Asia, Europe o North America.

Maari sanang gamitin aniya ang subsidiyang ito bilang pambayad sa sweldo ng kanilang mga empleyado.

Gayunman, sinabi ni Zubiri na titiyakin niyang matutugunan ang concerns ni Brosas pagdating sa mga local manufactureres ng health supplies at PPEs.

Sa ilalim ng 2021 National Expenditure Prorgram, ang DTI ay humihingi ng P22.4 billion na budget.