-- Advertisements --
Tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na makabuluhan ang pag-uusap sa telepono nila ni Chinese President Xi Jinping.
Ito ang unang pagkakataon na nagkausap ang dalawang lider mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.
Ang nasabing tawag ay isinagawa matapos ang pahayag ng China na siya ay tumatayong tagapag-ayos ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa.
Noong nakaraang buwan din kasi ay personal na nagpulong naman si Xi at Russian President Vladimir Putin.
Magugunitang sinabi ng China na ito ay neutral subalit hindi nito kinondina ang ginawa ng Russia na pag-aatake sa Ukraine.
Umaasa naman ang White House at France na ang pag-uusap nina Xi at Zelensky ay magiging daan para tuluyang mahikayat ang Russia na tigilan ang pag-atake nito.