-- Advertisements --
Surpresang bumisita sa United Kingdom si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Sa pagharap nito sa mga mambabatas ng UK ay pinasalamatan niya ang mga ito dahil sa tulong na natanggap mula ng sakupin sila ng Russia.
Humiling din nito ng mga fighter jets sa UK kung saan pinag-iisipan ito ni British Prime Minister Rishi Sunak na magbigay ng mga fighter jets sa Ukraine.
Matapos ang talumpati nito sa House of Commons ay nakipagpulong ito kay King Charles III.