-- Advertisements --

Sinabayan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga mamamayan ng Kherson na magdiwang matapos na mabawi nila ang lugar mula sa Russia.

Sinabi nito na ang Kherson ay pag-aari ng Ukraine at hindi kailanman na maaangkin ng ibang bansa lalo na ang Russia.

Itinuturing nito na isang makasaysayang araw ng mabawi nila ang Kherson.

Nakabantay na rin aniya ang mga sundalo ng Ukraine sa paligid ng Kherson para matiyak na hindi na makakabalik pa ang mga sundalo ng Russia.

Tiniyak din ng Ukrainian President na simula lamang ang pagbawi nila sa Kherson dahil sa itutuloy nilang bawiin ang ibang mga rehiyon ng Ukraine na sinakop ng Russia.