Ikinatuwa ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang naging desisyon ng European Leaders na magawaran sila ng candidate status.
Kasunod ito sa naging anunsiyo ni European Council President Charles Michel na isang kakaiba at makasaysayan ang naging desisyon nila.
Sinabi ni Zelensky na ang kinabukasan ng Ukraine ay nakakasalalay sa EU.
Natuwa naman ang iba’t-ibang leader ng Europa kung saan sinabi ni President of the European Commission Ursula von der Leyen na makakapagsimula na ang Ukraine kasama ang Moldova at Georgia sa ikalawang hakbang para sila ay maging tuluyang miyembro ng EU.
Ang nasabing desisyon aniya ay mapapalakas ang Ukraine, Moldova at Georgia sa pagharap sa imperialism ng Russia.
Ayon naman kay European Parliament President Roberta Metsola na nasa tamang panig ng kasaysayan ang paggawad ng EU candidate ng nabanggit na mga bansa.