-- Advertisements --

Itinuturing ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mga bayani ang kanilang air defenses.

Ito ay matapos na maharang nila ang malawakang drone attack ng Russia sa Kyiv.

Sa kada may napapabagsak ang kanilang air defense na mga rockets, drones at helicopters ay ilang daang buhay ang naililigtas.

Magugunitang sa pinahuling drone attack ng Russia ay napabagsak ng Ukraine ang 52 nito sa kabuuang 54 na pinakawalan ng Russia.