-- Advertisements --

Personal na binisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang mga sundalo nito na nakatalga sa eastern Donbas region.

Pinasalamatan nito ang mga sundalo kasabay ng pagdiriwang nila ng Armed Forces Day.

Binigay niya ng mga awards ang mga ito dahil sa patuloy na pakikipaglaban sa pananakop ng Russia.

Pagtitiyak din nito na ipagpapatuloy ng kaniyang sundalo ang pakikipaglaban para mabawi ang mga lugar na sinakop at inangkin ng Russia.