-- Advertisements --
Nasa US si Ukrainian President Volodymyr Zelensky para muling humirit ng tulong militar.
Ito na ang pangatlong beses na bumisita ang Ukrainian President sa kasagsagan ng paglusob Russia noong Pebrero 2022.
Bukod sa pakikipagpulong kay US President Joe Biden at kay Republican House Speaker Mike Johnson ay magtatalumpati rin ito sa US senate.
Magugunitang hinarang ng ilang mambabatas ang US military aid package na $60 bilyon kung saan nais ng mga ito na ilaan na lamang sa dagdag na border security sa pagitan nila ng Mexico.
Magugunitang hinikayat ni Biden ang mga mambabatas na ipasa na ang pondo dahil sa patuloy ang ginagawang pag-atake ng Russia sa maraming lugar ng Ukraine.