-- Advertisements --
Muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga lider ng mga bansa na tulungan sila na matigil ang pananakop ng Russia.
Sa kaniyang video message sa G20 Summit na ginaganap sa Bali, Indonesia, hiniling din nito sa mga lider na dapat ay matulungan nilang mapalawig ang grain exports na pansamantalang binuksan ng Russia ang pantalan para makadaan ang mga barko ng trigo nila.
Tinawag din ng Ukrainian President na G19 sumit dahil sa hindi personal na pagdalo ni Russian President Vladimir Putin at ang pinadala lamang nito ay ang kaniyang foreign minister.
Hindi rin mapigilan ni Zelensky na akusahan ang Russia sa patuloy na pagbobomba nito sa Ukraine na sanhi ng kamatayan ng maraming mga sibilyan doon.










