Nakatakdang magbigay ng kaniyang pahayag virtually si Ukrainian President Volodymr Zelensky sa NATO Summit ng mga world leader na gagawin sa Brussels.
Ito na aniya ang oportunidad ni Zelensky na marinig ng mga allied leaders ang sitwasyon ng mga mamamayan ng Ukraine dahil sa pananakop ng Russia.
Wala nang ibinigay pa na karagdagang detalye kaugnay sa nasabing aktibidad.
Samantala, plano ni US President Joe Biden na patawan din ng parusa ngayong linggo ang daan-daang mga Russians na naglilingkod sa lower legislative body ng bansa na ang tawag.
Ang nasabing aksyon ay inaasahang magsisimula ng mga bagong hakbang upang parusahan ang Russia para sa digmaan nito sa Ukraine.
Inaasahang ilalabas ni Biden ang mga bagong parusa laban sa mga miyembro ng Duma habang nasa Europa para sa isang serye ng mga snap summit ngayong linggo.