-- Advertisements --

Patay ang dalawang babae matapos na sila pagbabarilin sa Richmond Road Baptist Church sa Lexington, Kentucky.

Ayon kay Kentucky Governor Andy Beshear, na tumakas pa ang suspek palabas ng simbahan kung saan dalawang lalaki rin ang kaniyang binaril.

Binaril din ng suspek ang isang sundalo malapit sa Blue Grass Airport.

Matapos ang ilang minuto ay nakita ng mga otoridad ang suspek na wala ng buhay.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa insidente.