-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga nakuhang bagong political support at kasunduan sa ilang European countries.
Sinabi nito na maraming mga bansa ang rumerespeto sa territorial integrity ng Ukraine.
Ilan sa mga nakuha nitong tulong ay ang mga fighter jets, armored vehicles na siyang magpapatibay ng kanilang air defense, economy at exports.
Magugunitang noong mga nakaraang araw ay nagtungo ang Ukrainian president sa Sweden, the Netherlands, Denmark at Greece.
Dumalo ito sa summit at nakausap din ang mga lider ng Bulgaria, Serbia, Croatia, Montenegro, North Macedonia, Moldovia at ang Pangulo ng European Commission na si Ursula von der Leyen.