-- Advertisements --

Inakusahan ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang ilang mga Arab leader na nagbu-bulag-bulagan sa ginawang pag-atake ng Russia sa kanilang bansa.

Ito ang naging laman ng talumpati ng Ukraine President sa pagdalo niya sa Arab League summit sa Saudi Arabia.

Dagdag pa nito na ipinagtatanggol lamang ng Ukraine ang kaniyang bansa sa ginawang pag-atake ng Russia.

Sa nasabing miyembro ng Arab League ay tanging ang Syria ang lantarang nagpahayag ng suporta sa Russia.

Habang ang ilang Arab countries ay nais na magkaroon pa rin ng magandang relasyon sa Russia.

Matapos ang pagdalo ni Zelensky sa Saudi Arabia ay magtutungo ito sa Japan para dumalo sa Group of Seven summit.