-- Advertisements --

Handang pakinggan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang anumang suhestiyon ni dating US President Donald Trump.

Kasunod ito sa naging pahayag ng dating US president na kung sakaling makabalik muli sa puwesto ay kaniyang pipilitin ang Ukraine na makipagkasundo sa Russia.

Ayon kay Zelensky na nais niyang marinig mismo ng personal kay Trump ang nasabing suhestiyon at hindi lamang sa pamamagitan ng mga social media platform.

Dagdag pa nito na isang karangalan aniya para sa kaniya na mapakinggan at handa itong talakayin kay Trump ang nasabing usapin.