-- Advertisements --

Dumating na sa Saudi Arabia si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sinabi nito na magkakaroon ito ng pulong sa mga opisyal ng Saudi Arabia.

Bago nito ay inalok ni Zelensky ang Saudi Arabia ng kanilang drone technology para mas ma-improve ang seguridad sa rehiyon.

Ipinagmalaki nito na mayroong silang karanasan na sa paggamit ng mga drones na talagang epektibo na ginamit laban sa Russia.

Bilang kapalit nito ay hihilingin ni Zelensky sa Saudi Arabia ng tulong para maipagtanggol ang Ukraine laban sa pananakop ng Russia.