-- Advertisements --

Personal na binisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga sundalo nito na nasa Bakhmut City ng Donetsk region.

Ang nasabing lugar ay siyang nasa epicenter ngayon ng tinatarget ng Russia.

Kinausap ni Zelensky ang mga sundalo nito sa lugar at kinilala niya ang kanilang katapangan.

Naging malaking tulong aniya ang mga sundalo sa lugar para hindi makaabante ang Russia sa Donetsk.

Tiniyak din nito na patuloy ang paghingi niya ng tulong sa mga kaalyadong bansa nila para tuluyang mapigilan ang Russia.