-- Advertisements --
Naibalik na zoo sa South Korea ang nakatakas na zebra.
Umabot sa mahigit tatlong oras ang nasabing hayop na pagala-gala sa mga kabahayan sa Seoul.
Ang nasabing lalaking zebra na may pangalang sero ay nakatakas mula sa Seoul Children’s Grand Park Zoo.
Nagtulungan ang mga kapulisan at mga empleyado ng zoo para maibalik sa kulungan ang nakawalang zebra.
Isinilang ito noong 2021 at nakatakas ito matapos na sirain ang kulungan na gawa sa kahoy.