-- Advertisements --

Hinimok ni Bayan Muna party-list Rep. ang Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin ang deadline sa pagbabayad ng buwis dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Ito ay matapos na manindigan kamakailan ang DOF na huwag palawigin at hanggang sa Abril 15 pa rin ang deadline sa paghahain ng income tax returns.


“It is very ironic that the Executive department issued and implemented a lockdown order but the Department of Finance is apparently defying it by insisting on the April 15 tax payment deadline,” ani Zarate.

Ayon sa kongresista, hindi naman maapektuhan nang malaki ang koleksyon ng BIR dahil kung tutuusin ay nalampasa o nahigitan naman nito ang kanilang koleksyon noong nakaraang taon.

Nagbabala rin ito na kung ituloy ng BIR at DOF na panatilihin sa Abril 15 ang deadline sa paghahain ng income tax returns ay baka ang dalawang ahensya pa ang siyang maging dahilan aniya ng mas malawak na pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay dahil inaasahan aniya na daragsa ang maraming tao sa mga opisina ng BIR para lamang makapaghain ng kanilang income tax returns.