Hiniling ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang total overhaul ng mga security guards na nagbibigay seguridad sa Greenhills.

Ito’y matapos ang halos 10 oras na hostage taking crisis na nangyari nitong Lunes.

Sinabi ni Zamora, ayaw na niyang may maulit pa ang kaparehong sitwasyon sa kaniyang siyudad.

Aniya, maraming naapektuhan sa insidente lalong-lalo na ang negosyo dahil nagpatupad ng total lockdown ang PNP sa buong lugar.

Pinulong din ng alkalde ang may-ari ng V-Mall sa Greenhills at pinatitiyak na magpatupad ng major haul sa kanilang security measures para hindi na maulit ang nasabing insidente.

-- Advertisement --

Ibinunyag din ni Zamora na nag-alok ang kumpanya ng security agency ng P1-million para kay Alchie Paray pero hindi ito tinanggap ng hostage taker.

Nais lamang ni Paray na ipaalam sa publiko ang kaniyang sama ng loob lalo na sa kaniyang mga superior.

Siniguro naman ni Mayor Zamora na resigned sa kanilang pwesto ang mga opisyal ng security agency.