-- Advertisements --

Ginawaran na ni Pope Francis ng titulong “venerable” ang yumaong Cebuano archbishop na si Teofilo Camomot.

Ang titulong venerable ay ibinibigay sa isang yumaong indibidwal na pormal na kinilala ng papa bilang namuhay ng isang bayani na banal na buhay o nag-alay ng kanilang buhay.

Sa isang statement ay pormal na inanunsyo ng Archdiocese ng Cebu na pinahintulutan na ng santo papa ang Prefect ng Congregation of the Causes of Saints sa Vatican na si Marcello Cardinal Semeraro na ipahayag ang kaniyang kautusan hinggil sa kabayanihan ng Archbishop Camomot.

Kilala si Camomot sa ngalan na Monsignor Lolong at sa kanyang pambihirang pag-ibig sa kapwa partikular sa mga mahihirap.

Itinatag din niya ang Daughters of St. Teresa, isang religious congregation.

Magugunita na noong Oktubre 15, 2010 ay ipinahayag na ni Fr. Ricardo Cardinal Vibal, ang archbishop ng Cebu, na inaprubahan na ng Holy See ang pagbubukas ng cause para sa beautification at canonization ni Camomot.