Yulo Petecio

May anim na mga atleta ang napipiling maging flag-bearer ng 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Ayon kay Philippine Sports Commission chairman at chef de mission ng Team Philippines William “Butch” Ramirez, na ilan sa mga pinagpipilian ay sina world gymnast Carlos Yulo, boxer Neshty Petectio, Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, Asian champions Margielyn Didal at pole vaulter EJ Obiena.

Ang nasabing mga atleta aniya ay tiyak na sa pagiging flag bearer dahil siya rin lamang ang magdedesisyon at ito ang chef de mission.

Sa mga susunod na araw ay ilalabas niya ang pinal na listahan sa mga magiging flag bearer.