Duterte with Sports
President Duterte with world champ in gymnastics Carlos Yulo

Gagamitin para sa kani-kanilang mga pamilya ang perang nakuha nina world champions Carlo Yulo at Nesthy Petecio.

Sinabi ng gymnast na si Yulo, gagamitin niya ang perang natanggap para makapagpatayo ng bahay para sa pamilya.

Habang ipapaayos naman ng 27-anyos na si Petecio ang kanilang bahay.

Magugunitang nakakuha ng hindi bababa sa P3 million ang natanggap bilang incentives nina Yulo at Petecio.

Ang P1 million ay mula sa Philippine Sports Commission (PSC) , P1 million naman mula sa MVP Sports foundation at P1 million din ay galing kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangako naman ng P500,000 si Presidential Adviser on Sports Dennis Uy sa mga gold medalists na magmumula sa Siklab foundation.

Magugunitang namayagpag si Yulo sa 49th FIG World Artistic Gymnastics Championships sa Germany habang si Petecio ay nagwagi sa 2019 Aiba Women’s Boxing World Championships sa Russia.