Pinatawan ng anim na taon na pagkakakulong ang YouTuber na si Trevor Jacob dahil sa sinadya nitong pagbagsakin ang eroplano para makalikom ng maraming social media views.
Naganap ang insidente noong Disyembre 2021 kung saan iginiit ng 30-anyos na isang aksidente ang nangyari.
Makikita sa video na habang naka-parachute na ito pababa ay may hawak itong selfie stick sa kamay at nagvideo ng sarili.
Ang nasabing video ay nakalikom ng ilang milyong views.
Una ng naghain ito ng not-guilty plea at sinabing isang uri lamang ng pag-endorso ng produkto ang ginawa niya.
Ang dating Olympic snowboarder ay nag-plead guilty rin ngayong taon sa isang felony count of destruction at concealment ganun din ang pagharang sa mga federal investigator.
Ayon sa federal prosecutors sa California na ang ginawa ni Jacob ay nakaakit sa social media at balita subalit hindi dapat ito kunsintihin.
Magugunitang noong Nobyembre 2021 ng umalis sa Santa Barbara, California si Jacob at matapos ang 35-minuto ay tsaka nag-eject ito.
Bumagsaka ang eroplano sa Los Padres National Forest kung saan kinuha pa ni Jacob ang ikinabit niyang camera sa bumagsak na eroplano.
Matapos ang mahigit na isang buwan ay in-upload nito ang video sa kaniyang channel na may titulong “I crashed my airplane”.