Apektado rin ang youth employment program ng pamahalaan dahil sa nararanasang Coronavirus diseaser 2019 (COVID-19) pandemic.
Base sa data ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bilang ng kanilang beneficiaries sa Special Program for Employment of Students (SPES) ay bumaba sa 42,055 noong nakaraang taon sa kasagsagan ng hard lockdown mula sa 123,351 noong 2019.
Maging ang beneficiaries sa Government Internship Program (GIP) ay bumulusok sa 25,929 noong nakaraang taon mula sa 45,121 noong 2019.
Sa budget hearing ng DOLE sa House of Representatives sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na ang naturang trend ay dahil na rin sa kakulangan ng pondo ng DOLE mula sa private sector at local government units (LGUs) para bayaran ang sahod ng mga student beneficiaries.
Sa ilalim kasi ng SPES, partner dito ng DOLE ang mga private companies o local government unit (LGU) para magbigay ng pansamantalang employment programs sa mga kuwalipikadong mga estudyante.
Para naman sa SPES, karaniwang ang DOLE ang sasagot sa 40 percent ng sahod ng mga youth beneficiaries at ang mga partner na private company naman ang magbabayad sa natitirang 60 percent.