Ibinahagi ng dating sexy actress Ynez Veneracion ang unang pagkikita ng asawa ng dating kinakasama na si Sharifa Akeel.
Sa social media post ng 41-anyos, makikita na kasama nito si Akeel at dating kinakasamang si Toto Mangundadatu.
Taong 2010 hangang 2011 ng nakarelasyon ng actress ang dating gobernador at congressman ng Maguindanao.
Biniyayaan sila ng isang anak na si Princess Keilah del Rosario.
Si Sharifa na naging Miss Asia Pacific International 2018 ay ikinasal kay Mangundadatu noong Agosto 2021.
Sa social media post ay makikita na kasama nila ang anak na si Princess kung saan tawag pa ng actress sa dating kinakasama ay ‘Papa’.
Nananatiling maganda pa rin ang pakikitungo ng actress sa dating kinakasama kahit na ilang taon na silang hindi nagkikita.
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita niya personal ang bagong kinakasama ng dating asawa.