Naglabas na ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) ng Dapa, Surigao del Norte, kaugnay sa kinakaharap na reklamong cyber libel complaint noon pang nakaraang taon.

Nakasaad sa utos ng RTC-Dapa na may petsang December 12, 2019 at nai-forward na umano sa Quezon City Police chief, inaakusahan si Yeng na lumabag sa Sec 4 (c)(4) ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.

Maaari namang makapagpiyang ang 31-year-old singer o Josephine Eusebio sa tunay na buhay ng P30,000.

Ugat ng complaint laban kay Yeng ay yaong insidente ng “doctor shaming” kung saan pinuna nito sa pamamagitan ng video blog, ang hindi raw maayos na pag-asikaso noong maaksidente ang asawang si Victor Asuncion matapos mag-dive sa Sugba Lagoon at nagka-memory loss.

Kabilang sa mga awitin ni Yeng ay ang “Hawak Kamay,” “Cool Off,” “‘Di na Ganun,” “Chinito,” “Ikaw” at marami pa.

-- Advertisement --