May negatibong dulot ang lockdown dahil sa COVID-19 sa singer na si Yeng Constantino at asawa nito.

Ayon sa singer, nagiging paranoid na sila dahil iniisip niya kung paano sila makaka-survive.

Ilan sa mga ginagawa nila para hindi mainip at mawala ang pagiging paranoid ay nagtatanim na lamang sila ng mga gulay at namimingwit ng isda.

Isang bagay na kanilang natutunan sa pandemic at ito ay ang mamuhay ng simple.

Umaasa naman ang mag-asawa na babalik din sa datin ang lahat kapag natapos na ang coronavirus pandemic.