-- Advertisements --

Itinanggi ng actress na si Yen Santos na ang usapin na nagkaroong sila ng anak ni dating Ilocos Sur governor Chavit Singson.

Ito ang naging kasagutan ng actress sa matagal ng kumalat na balita noong ito ay nagsisimula sa showbiz ukol sa pakikipagrelasyon kay Singson.

Giit ng actress malapit na kaibigan ng pamilya nila ang dating gobernador.

Ang kumalat na nakita na may kasama itong bata ay ang kaniyang bunsong kapatid.

Ang 11-anyos na kapatid nitong lalaki ay inaanak umano sa binyag ni Singson.

Iminungkahi niya na sa mga susunod na vlog niya ay isasama si Singson.