Reading Time: 1 minute

Kaliwa’t kanang mensahe ng pakikidalamhati ang natatanggap ng pamilya ng pumanaw na child actress na si Niña Sophia Gabrielle Corullo.

Mapa-sa online world at maging ilang celebrities ay nagulat sa biglang pagpanaw ni “Sophie” na six years old lamang dahil sa severe dengue nitong Linggo, ngunit kahapon lang kinumpirma ng naulilang pamilya.

Huling napanood si Sophie sa drama anthology series nitong Sabado kung saan kasama nito ang aktres na si Lilieyen Santos.

Kaugnay nito, bumisita na rin si Yen sa burol ng batang aktres at nagbigay ng bulaklak.

Sophie Corullo
photo from relative: Aljean Ballicud-Perez

Samantala, hangad ng inang si Angeli na makaligtas ang isa pang anak na nasa ospital dahil din sa dengue.

Unang nakilala si Sophie sa pagsali sa “Mini Me” segment ng isang noontime show noong nakaraang taon.

Sa pinakabagong record ng Department of Health, mayroon nang 188,000 dengue case sa Pilipinas kung saan 807 na ang tuluyang binawian ng buhay.